Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 76

Ano’ng Nadarama Mo?

Pumili ng Audio Recording
Ano’ng Nadarama Mo?
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Hebreo 13:15)

  1. 1. Ano’ng nadarama

    sa t’wing nagtuturo ka,

    At puso ng maamo

    ay ’yong natatamo?

    Lahat ’yong ginawa;

    ang Diyos na ang bahala.

    Puso’y nababasa niya—

    tapat ay kilala.

    (KORO)

    Anong saya ang maglingkod—

    puso, isip, tinig handog.

    Papuri’y laging ihain

    buong buhay natin.

  2. 2. Ano’ng nadarama

    ’pag pinakikinggan ka,

    Sa mensahe’y tumugon

    wastong nakaayon?

    Mayro’ng tumatanggi

    at hindi nakikinig.

    Tayo’y masaya pa rin,

    ngalan ng Diyos dalhin.

    (KORO)

    Anong saya ang maglingkod—

    puso, isip, tinig handog.

    Papuri’y laging ihain

    buong buhay natin.

  3.  3. Ano’ng nadarama,

    nandiyan ang tulong ni Jah,

    At itong atas sa ’yo

    ay ’sang pribilehiyo?

    Tapang ay taglayin

    pero magalang pa rin.

    At mangangaral tayo

    hanggang matapos ’to.

    (KORO)

    Anong saya ang maglingkod—

    puso, isip, tinig handog.

    Papuri’y laging ihain

    buong buhay natin.