Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

 AWIT 63

Tayo’y mga Saksi ni Jehova!

Pumili ng Audio Recording
Tayo’y mga Saksi ni Jehova!
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Isaias 43:10-12)

  1. 1. Ang diyos ng mga tao,

    Yaring kahoy at bato.

    ’Di nila kilala

    Diyos na totoo.

    H’wad na diyos walang alam

    Sa ’ting kinabukasan.

    Mga saksi nila’y bulaan,

    Dahil walang katibayan.

    (KORO)

    Tayo ay kay Jehova.

    Tayo’y mga Saksi niya.

    Ang ating Diyos ay hindi huwad;

    Hula niya’y natutupad.

  2. 2. Sa ’tin ay karangalan,

    Dalhin ang kaniyang ngalan.

    Ibinabalita

    kaniyang Kaharian.

    Tutulungan ang iba

    Nang mapalaya sila.

    Kapag sumulong, sasama na

    Sa pagsamba kay Jehova.

    (KORO)

    Tayo ay kay Jehova.

    Tayo’y mga Saksi niya.

    Ang ating Diyos ay hindi huwad;

    Hula niya’y natutupad.

  3.  3. Dahil sa pangangaral,

    Diyos ay napababanal.

    At nababalaan

    ang masasama.

    Patatawaring lubos

    ’Pag nanumbalik sa Diyos.

    Kapayapaa’y makakamtan

    At buhay na walang hanggan.

    (KORO)

    Tayo ay kay Jehova.

    Tayo’y mga Saksi niya.

    Ang ating Diyos ay hindi huwad;

    Hula niya’y natutupad.

(Tingnan din ang Isa. 37:19; 55:11; Ezek. 3:19.)