Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 59

Papurihan si Jehova!

Pumili ng Audio Recording
Papurihan si Jehova!
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Awit 146:2)

  1. 1. Papurihan

    si Jehova!

    Siya’ng nagbigay buhay at hininga.

    Parangalan

    pangalan niya,

    Pag-ibig, at kadakilaan niya.

    Araw-araw ay papurihan siya.

  2. 2. Papurihan

    si Jehova!

    Pangangailangan ’nilalaan niya.

    Ang dalangin

    diringgin niya;

    Tinutulungan ang mahihina;

    Lakas laan ng espiritu niya.

  3. 3. Papurihan

    si Jehova!

    Maaasahan katarungan niya.

    Itutuwid

    kamalian.

    Pagpapala dulot ng Kaharian.

    May-kagalakan siyang papurihan!