PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Lucas 10:6)

  1. 1. Si Kristo ay nangaral sa iba,

    Ang init at alikabok

    ay ’di niya inalintana.

    Mahal niya ang tupa ni Jehova;

    Hinanap niya buong araw,

    tinuruan niya.

    Sa bawat pinto’t lansangan,

    Pag-asa ay ipaalam,

    Magwawakas lahat ng pagdurusa.

    (KORO)

    Hanapin ang

    kaibigan ng kapayapaan.

    Hanapin ang

    nakaayon sa kaligtasan.

    Ang lahat ay

    balitaan.

  2.  2. Ang panahon ay apurahan na,

    Kaya’t gawin buong kaya;

    milyong buhay nakataya.

    Pag-ibig ang nag-uudyok sa ’tin.

    Pusong wasák hihilom

    at buhay kakamtin.

    Sa bawat lunsod at bayan,

    ’Pag may isang nasumpungan,

    Madarama natin ang kagalakan.

    (Koro)

    Hanapin ang

    kaibigan ng kapayapaan.

    Hanapin ang

    nakaayon sa kaligtasan.

    Ang lahat ay

    balitaan.