PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Kawikaan 3:1, 2)

  1. 1. Katotohanan ay dapat isabuhay;

    Ikaw ang magpapasiya rito.

    Kaya’t piliin patnubay ni Jehova;

    Ang salita niya’y totoo.

    (KORO)

    Isapuso mo

    ang iyong natutuhan.

    At madarama

    ang kagalakan

    Kung maninindigan ka.

  2. 2. Pagsisikap mo, panahong ’nilalaan

    Sa paglilingkod sa Kaharian,

    Dulot nito ay saganang pagpapala

    At buhay na walang hanggan.

    (KORO)

    Isapuso mo

    ang iyong natutuhan.

    At madarama

    ang kagalakan

    Kung maninindigan ka.

  3. 3. Para sa ’ting Diyos, tayo’y batang paslit lang;

    Patnubay niya’y kailangan natin.

    Sa bawat araw, sa kaniya ay paakay;

    Pagpapala niya’y kakamtin.

    (KORO)

    Isapuso mo

    ang iyong natutuhan.

    At madarama

    ang kagalakan

    Kung maninindigan ka.