PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Mateo 16:24)

  1. 1. Tayo’y kay Jesus inakay ni Jehova,

    Ngayon ay naging alagad niya.

    Katotohana’y laan;

    Tayo’y naliwanagan.

    Tiwala’y nadagdagan,

    Sarili’y tinalikdan.

    (KORO)

    Sa Diyos tayo’y nakaalay; ating pasiya.

    Kagalakan ating nadarama.

  2. 2. Sa panalangin, nangako kay Jehova,

    Maglilingkod tayo sa kaniya.

    Dulot ay kagalakan,

    Hindi mapapantayan.

    Ngalan niya’y ating taglay;

    Kaniya ang ating buhay.

    (KORO)

    Sa Diyos tayo’y nakaalay; ating pasiya.

    Kagalakan ating nadarama.

(Tingnan din ang Awit 43:3; 107:22; Juan 6:44.)