Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 44

Panalangin ng Nanghihina

Pumili ng Audio Recording
Panalangin ng Nanghihina
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Awit 4:1)

  1. 1. Jehova, pakisuyo, panalangin

    ko’y dinggin.

    May sugat ang damdamin at

    kay hirap tiisin.

    Nanghihina ako’t gulong-gulo

    ang isipan.

    O Diyos ng kaaliwan,

    kalungkutan ko’y ibsan.

    (KORO)

    Ibangon mo; tulungan mo.

    Pag-asa ko’y buhayin mo.

    Ngayong ako’y nanghihina,

    Palakasin n’yo po, Ama.

  2. 2. Sa t’wing nanghihina, ’yong

    Salita aking lakas;

    ’Nihahayag ang damdaming

    hindi ko mabigkas.

    Pananampalataya ko

    ay patibayin mo.

    Mas dakila ang ’yong pag-ibig

    kaysa puso ko.

    (KORO)

    Ibangon mo; tulungan mo.

    Pag-asa ko’y buhayin mo.

    Ngayong ako’y nanghihina,

    Palakasin n’yo po, Ama.