Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 40

Tayo Ba’y Kanino?

Pumili ng Audio Recording
Tayo Ba’y Kanino?
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Roma 14:8)

  1. 1. Ikaw ba’y kanino?

    At sino ba ang diyos mo?

    Kung kanino ka yumuyukod,

    Sa kaniya ka naglilingkod.

    Kung dalawa ang diyos,

    Hati ang debosyon mo!

    Sa pipiliin masasalamin

    Kung handa ang ’yong puso.

  2. 2. Ikaw ba’y kanino?

    Sino nga ba ang diyos mo?

    Isa ay huwad, isa’y tunay,

    Pumili ka’t huwag maghintay!

    Kay Cesar pa rin ba

    Alay ang katapatan?

    O ibibigay sa Diyos na tunay,

    Gawin ang kalooban?

  3. 3. Ako ba’y kanino?

    Si Jehova ang Diyos ko.

    Siya ang aking laging susundin;

    Panata ko’y tutuparin.

    Ako ay tinubos;

    Debosyon ko’y sa kaniya.

    Buo kong buhay ay iaalay

    At pararangalan siya.