Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 38

Tutulungan Ka Niya

Pumili ng Audio Recording
Tutulungan Ka Niya
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(1 Pedro 5:10)

  1. 1. May dahilan ang Diyos noong tinawag ka,

    Inakay ka sa katotohanan.

    Pananabik sa ’yong puso’y nakita niya,

    Gawin ang tama at hanapin siya.

    Nangako kang nais niya’y susundin;

    Tulong niya’y asahang patuloy rin.

    (KORO)

    Dugo ni Jesu-Kristo

    ang tumubos sa ’yo.

    Pag-aari ka na

    ng Diyos na Jehova.

    Gagabayan ka lagi

    at iingatan pa.

    Tutulungan ka niya,

    patitibayin ka.

  2. 2. Alang-alang sa ’yo Anak niya’y ’binigay;

    Nais ng Diyos na magtagumpay ka.

    ’Di niya ’pinagkait sarili niyang Anak,

    Kaya tiyak na tutulungan ka niya.

    Pag-ibig mo’y ’di niya lilimutin,

    Sa Diyos ika’y mahalaga pa rin.

    (KORO)

    Dugo ni Jesu-Kristo

    ang tumubos sa ’yo.

    Pag-aari ka na

    ng Diyos na Jehova.

    Gagabayan ka lagi

    at iingatan pa.

    Tutulungan ka niya,

    patitibayin ka.