PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Mateo 22:37)

  1. 1. O Jehova, Soberano,

    Ikaw lang ang iniibig ko.

    Debosyon ko’y iaalay

    Sa bawat araw ng buhay ko.

    Mga utos mo’y susundin ko

    Anumang maging sitwasyon.

    (KORO)

    O Jehova, sa ’yo lang ang

    Buo kong kalul’wang debosyon.

  2. 2. Mga nilikha mo’y laging

    Lumuluwalhati sa iyo.

    Ang lakas ko’y gagamitin,

    Ihahayag ko ang ngalan mo.

    Buong buhay ko’y iaalay,

    At ito’y walang kondisyon.

    (KORO)

    O Jehova, sa ’yo lang ang

    Buo kong kalul’wang debosyon.