Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 36

Bantayan ang Ating Puso

Pumili ng Audio Recording
Bantayan ang Ating Puso
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Kawikaan 4:23)

  1. 1. Ang puso nati’y bantayan

    At huwag magkasala.

    Ang pagkatao sa loob,

    Alam ni Jehova.

    Puso nati’y mapandaya,

    Lumilihis minsan.

    Isip ang dapat manaig,

    Puso ay gabayan.

  2. 2. Puso’y laging ihahanda

    Sa pananalangin.

    Sabihin ang ’yong problema,

    Magpasalamat din.

    Mga turo ni Jehova,

    Dapat nating sundin.

    Ang pusong matapat sa Diyos,

    Kailangang taglayin.

  3. 3. Sa masamang kaisipan,

    Puso ay ingatan.

    Ang Salita ng Diyos ating

    Laging pag-isipan.

    Mga tapat na lingkod niya,

    Mahal ni Jehova.

    Buong-puso siyang sambahin

    Bilang kaibigan niya.