Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

 AWIT 26

Ito’y Ginawa Ninyo Para sa Akin

Pumili ng Audio Recording
Ito’y Ginawa Ninyo Para sa Akin
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Mateo 25:34-40)

  1. 1. Si Jesus ay mayro’ng ibang mga tupa

    na kasama ng mga kapatid niya.

    Lahat ng tulong sa

    mga pinahiran,

    Ito ay kaniyang gagantimpalaan.

    (KORO)

    “Inaliw n’yo sila at tinulungan.

    Ito’y ginawa n’yo para sa akin.

    Pagpapagal n’yo para sa kanila,

    Pagpapagal n’yo na rin sa akin.

    Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”

  2. 2. “Nang ako’y magutom, pinakain ninyo.

    Nangailangan ako at nandiyan kayo.”

    “Kailan ’yon ginawa?”

    kanilang ’tinanong.

    At bilang sagot, ang Hari’y tutugon:

    (KORO)

    “Inaliw n’yo sila at tinulungan.

    Ito’y ginawa n’yo para sa akin.

    Pagpapagal n’yo para sa kanila,

    Pagpapagal n’yo na rin sa akin.

    Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”

  3. 3. “Kayo’y nangangaral nang may katapatan;

    mga kapatid ko’y sinuportahan.”

    Hari’y magsasabi

    sa tupa sa kanan:

    “Manahin ang lupa magpakailanman.”

    (KORO)

    “Inaliw n’yo sila at tinulungan.

    Ito’y ginawa n’yo para sa akin.

    Pagpapagal n’yo para sa kanila,

    Pagpapagal n’yo na rin sa akin.

    Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”