Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 17

Handang Tumulong

Pumili ng Audio Recording
Handang Tumulong
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Lucas 5:13)

  1. 1. Mabait at matiisin,

    Si Kristo ay maibigin.

    Sa gawa’t salita

    ’pinakita niya

    Ang awa niya at kalinga.

    Maysakit ay pinagaling;

    Panahon niya’y ’binigay rin.

    Siya’y tapat at mapagsakripisyo.

    Lagi siyang handang tumulong.

  2. 2. Sikapin nating tularan

    Halimbawa niyang kay inam.

    Maging maibigin

    at mabait din.

    Ang kap’wa ay alalayan.

    Kaibigang nangangailangan,

    Agad nating tutugunan.

    ’Pag lumapit ang ulila’t balo,

    Maging handa ring tumulong.