Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 148

Laan ni Jehova ang Kaligtasan

Pumili ng Audio Recording
Laan ni Jehova ang Kaligtasan
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(2 Samuel 22:1-8)

  1. 1. O Jehova, natatanging Diyos na buháy;

    Likha mo ang lahat,

    wala kang kapantay.

    Walang diyos ang tulad mo. Malapit nang

    mapuksa

    lahat ng kaaway.

    (KORO)

    Laan ni Jehova ang kaligtasan.

    Sa lingkod niya siya’y matibay na kanlungan.

    Magmagiting, manalig sa Diyos

    na Jehova.

    Ihayag at papurihan ang

    pangalan niya.

  2. 2. Sa bingit ng panganib, tatawag ako,

    “Jehova, bigyan ng

    lakas ang lingkod mo.”

    Mula diyan sa ’yong templo ay pakinggan,

    “Ingatan,

    Iligtas mo ako.”

    (KORO)

    Laan ni Jehova ang kaligtasan.

    Sa lingkod niya siya’y matibay na kanlungan.

    Magmagiting, manalig sa Diyos

    na Jehova.

    Ihayag at papurihan ang

    pangalan niya.

  3.  3. Sa langit ay dadagundong

    ang tinig mo.

    Manginginig silang

    mga kaaway mo.

    Magiging anuman ka na kailangan,

    kailanman;

    Makikita ito.

    (KORO)

    Laan ni Jehova ang kaligtasan.

    Sa lingkod niya siya’y matibay na kanlungan.

    Magmagiting, manalig sa Diyos

    na Jehova.

    Ihayag at papurihan ang

    pangalan niya.

(Tingnan din ang Awit 18:1, 2; 144:1, 2.)