PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Apocalipsis 21:1-5)

  1. 1. Narito na ang tanda ng panahon.

    Nasa trono na ang Panginoon.

    Ang langit ngayon ay malinis na,

    Siya’y mamamahala na sa lupa.

    (KORO)

    Tolda ng Diyos ay narito,

    Kasama ng mga tao.

    Wala nang luha’t mga pangamba,

    Kamatayan ay mapapawi na.

    Sabi ng Diyos: ‘Lahat magbabago.’

    Pangako niya’y totoo.

  2. 2. Ang Bagong Jerusalem ay tingnan n’yo,

    Siya ang kasintahan ng Kordero.

    Nagagayakan, napakaganda,

    Tanging si Jehova ang tanglaw niya.

    (KORO)

    Tolda ng Diyos ay narito,

    Kasama ng mga tao.

    Wala nang luha’t mga pangamba,

    Kamatayan ay mapapawi na.

    Sabi ng Diyos: ‘Lahat magbabago.’

    Pangako niya’y totoo.

  3. 3. Lunsod na ito’y kay gandang pagmasdan.

    Bukás lagi ang mga pintuan.

    Magiging tanglaw ng mga bansa;

    Lalakad sila sa liwanag niya.

    (KORO)

    Tolda ng Diyos ay narito,

    Kasama ng mga tao.

    Wala nang luha’t mga pangamba,

    Kamatayan ay mapapawi na.

    Sabi ng Diyos: ‘Lahat magbabago.’

    Pangako niya’y totoo.