Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 144

Masdan Mo ang Gantimpala!

Pumili ng Audio Recording
Masdan Mo ang Gantimpala!
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(2 Corinto 4:18)

  1. 1. Ang bulag nakakakita na

    At bingi’y nakaririnig na.

    Mga bata’y nag-aawitan,

    Payapa’t may kagalakan.

    Ang mahal mo ay binuhay na

    Sa mundong walang pagdurusa,

    (KORO)

    ’Pinangako ’yan ni Jehova.

    Masdan mo ang gantimpala!

  2. 2. Mga lobo at mga tupa,

    Oso at guya’y sama-sama,

    At ang aakay isang bata,

    Sumusunod sa tawag niya.

    Mga luha mo’y napahid na,

    Pangamba mo ay napawi na,

    (KORO)

    ’Pinangako ’yan ni Jehova.

    Masdan mo ang gantimpala!