PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Awit 36:9)

  1. 1. Ang bawat sanggol at bawat butil,

    Bawat sinag ng araw at pag-ulan—

    Lahat ng ito’y kaloob ng Diyos.

    Ang pangangailangan nati’y inilaan.

    (KORO)

    Ano ang gagawin sa regalo niya?

    Ibigin si Jehova—ang Diyos na nagbigay.

    Hindi ’to nagmula sa pagsisikap mo.

    Regalo ’to ng Diyos—ang buhay na taglay.

  2. 2. Ang iba’y ayaw nang mabuhay pa,

    Sumpain na raw ang Diyos at mamatay.

    Pananaw natin ay hindi ganiyan.

    Nagpapasalamat sa regalong buhay.

    (KORO)

    Ano ang gagawin sa regalo niya?

    Ibigin ang ating kap’wa, at umalalay.

    Hindi ’to nagmula sa pagsisikap mo.

    Regalo ’to ng Diyos—ang buhay na taglay.