Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 14

Purihin ang Bagong Hari ng Lupa

Pumili ng Audio Recording
Purihin ang Bagong Hari ng Lupa
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Awit 2:12)

  1. 1. Sa pangunguna ni Jesus

    at mga pinahiran,

    Natitipon na sa ngayon

    ang lubhang karamihan.

    Ang Kaharia’y ’sinilang na;

    Mamamahala sa lupa.

    Walang-kapantay na pag-asa,

    Dulot sa ’tin ay ginhawa.

    (KORO)

    Purihin si Jehova at ang Anak niyang

    Hari ngayon at Panginoon.

    Nagkakaisa, tayo’y sumunod

    At maglingkod sa kaniya.

  2. 2. Purihin ang Hari natin

    taglay ang kasiyahan.

    Dala niya’y kapayapaan;

    dulot ay kaligtasan.

    Tanaw natin ang pag-asa,

    Wala nang mga pangamba;

    Ang mga patay mabubuhay.

    Panahon ng kagalakan!

    (KORO)

    Purihin si Jehova at ang Anak niyang

    Hari ngayon at Panginoon.

    Nagkakaisa, tayo’y sumunod

    At maglingkod sa kaniya.