Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

 AWIT 138

Kagandahan ng Puting Buhok

Pumili ng Audio Recording
Kagandahan ng Puting Buhok
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Kawikaan 16:31)

  1. 1. May-edad naming mahal,

    kapiling namin;

    Sa Diyos ay naglilingkod

    at tapat pa rin.

    Katawa’y humihina;

    Balo na’ng iba.

    Jehova, ’yong tiyakin,

    pag-asa nila.

    (KORO)

    O Ama, ’yong dinggin,

    Aming dalangin:

    Mga may-edad na,

    ’Yong patibayin.

  2. 2. Ang puting buhok nila

    ay kagandahan;

    Sa daan ng kat’wiran

    ay nasumpungan.

    No’ng sila’y kabataan,

    ’binigay nila

    Ang lakas kay Jehova

    at tapat sila.

    (KORO)

    O Ama, ’yong dinggin,

    Aming dalangin:

    Mga may-edad na,

    ’Yong patibayin.