Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 136

Malaking Gantimpala Mula kay Jehova

Pumili ng Audio Recording
Malaking Gantimpala Mula kay Jehova
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Ruth 2:12)

  1. 1. Pagsisikap ng kaniyang mga lingkod,

    Nakikita ni Jehova.

    Minsan dahil sa kanilang debosyon,

    Nagsasakripisyo sila.

    Nag-iwan ng pamilya at kaibigan,

    Ito’y kaniyang nalalaman.

    Ang kapalit ay ating kapatiran

    At buhay na walang hanggan.

    (KORO)

    Nawa’y gantimpalaan ka ng Diyos

    Sa lahat ng ’sinakripisyo mo.

    Manganlong ka sa kaniyang pakpak;

    Tapat si Jehova; Siya ay totoo.

  2. 2. Minsan kay bigat ng mga problema;

    Parang ’di na natin kaya.

    Minsan ang pasan, ’di natin madala;

    Lakas ay nasasagad na.

    Nandiyan ang Diyos ng buong kaaliwan,

    Dalangin ay pakikinggan.

    Espiritu at Salita niya’y laan,

    At ating mga kaibigan.

    (KORO)

    Nawa’y gantimpalaan ka ng Diyos

    Sa lahat ng ’sinakripisyo mo.

    Manganlong ka sa kaniyang pakpak;

    Tapat si Jehova; Siya ay totoo.

(Tingnan din ang Huk. 11:38-40; Isa. 41:10.)