PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(1 Pedro 2:21)

  1. 1. Ang pag-ibig ng Diyos,

    Dakila at lubos,

    Nang ang Panganay niya’y inihandog niya.

    ’Sinilang sa mundo—

    Kristo’y naging tao—

    Pinarangalan ang kaniyang Ama.

  2. 2. Ang Salita ni Jah,

    Naging pagkain niya.

    Sa kaniya’y nagdulot ng karunungan.

    Ang kaniyang huwaran,

    Sa ati’y iniwan.

    Maglingkod sa Diyos ay kagalakan.

  3. 3. Katulad ni Jesus,

    Papurihan ang Diyos,

    Ang mga yapak niya ay sundan natin.

    Ang kaniyang huwaran

    Ay ating tularan,

    Nang lingap ng Diyos mapasaatin.