Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

 AWIT 128

Magtiis Hanggang sa Wakas

Pumili ng Audio Recording
Magtiis Hanggang sa Wakas
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Mateo 24:13)

  1. 1. Ang mga pangako ng Diyos,

    mapananaligan.

    Pagsubok sa katapatan

    ay ’yong nakakayanan.

    Ika’y nagiging matatag

    at nadadalisay rin.

    Pananampalataya mo,

    Lalo pang patibayin.

  2. 2. Pag-ibig mo noong una

    ay huwag mong iwanan.

    Sa kabila ng pagsubok,

    Lagi kang manghawakan.

    Alinlangan o takot man,

    Huwag hayaang humadlang.

    Makakaya mong harapin,

    Ang Diyos ’di ka iiwan.

  3.  3. Maliligtas ang magtiis

    hanggang kawakasan;

    Nando’n sa aklat ng buhay,

    ang kanilang pangalan.

    Kaya’t gawin mong tunguhin:

    Magtiis nang lubusan.

    Pagsang-ayon ni Jehova,

    Dulot ay kagalakan.