Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 118

Palakasin Mo ang Aming Pananampalataya

Pumili ng Audio Recording
Palakasin Mo ang Aming Pananampalataya
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Lucas 17:5)

  1. 1. Dahil sa ’ming minanang kasalanan,

    Puso’y nakahilig sa masama.

    O kay daling makasilo sa amin,

    Kulang na pananampalataya.

    (KORO)

    Palakasin pananampalataya,

    Pakiusap, Diyos naming Jehova.

    Nagsusumamo salig sa ’yong awa,

    Nang maparangalan ka, O Ama.

  2. 2. Kung mayroong pananampalataya,

    Gantimpala ay ’yong ilalaan.

    Sa ’min ito’y magsisilbing kanlungan;

    Mahaharap ang kinabukasan.

    (KORO)

    Palakasin pananampalataya,

    Pakiusap, Diyos naming Jehova.

    Nagsusumamo salig sa ’yong awa,

    Nang maparangalan ka, O Ama.

(Tingnan din ang Gen. 8:21; Heb. 11:6; 12:1.)