Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit Nang Masaya kay Jehova

 AWIT 112

Si Jehova, Diyos ng Kapayapaan

Pumili ng Audio Recording
Si Jehova, Diyos ng Kapayapaan
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Filipos 4:9)

  1. 1. Diyos naming Jehova,

    Diyos ng kapayapaan.

    Ang espiritu’y dalangin,

    Nang bunga ay malinang.

    Dahil sa ’yong Anak,

    Ika’y naging kaibigan,

    Mapayapang kaugnayan

    sa iyo ay nakamtan.

  2. 2. ’Yong Salita’y ilaw,

    Patnubay sa ’ming buhay.

    Sa mundong may kadiliman,

    Ikaw ang aming gabay.

    Hanggang sa magwakas

    Lahat ng kaguluhan,

    Tulungang mapanatili

    aming kapayapaan.

  3. 3. Sa langit at lupa,

    Ngayo’y natitipon na

    Ang ’yong mga iniibig;

    Sila’y nagkakaisa.

    Ang ’yong Kaharian,

    Digmaa’y wawakasan.

    Maaamo ay tatahang

    payapa’t walang hanggan.