PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(1 Juan 4:19)

  1. 1. Ipinakita sa ’tin ni Jehova

    Tunay na pag-ibig.

    Ito’y huwaran na dapat tularan—

    Magpakita ng pag-ibig.

    Sariling Anak kaniyang inilaan

    Bilang pantubos sa ’ting kasalanan.

    O kay dakilang kapahayagan ng

    Pag-ibig niya—Ito’y dakila!

  2. 2. Ating pag-ibig, ’pakita rin natin,

    Tulad ni Jehova,

    Sa may-edad man o mga baguhan,

    Lahat sila’y mahalaga.

    Pag-ibig sa Diyos at sa kapatiran

    Ay magkaugnay, parehong kailangan.

    At handang takpan mga kamalian;

    Iniibig ating kapatid.

  3. 3. Dahil sa bigkis ng pag-ibig natin,

    Tayo ay pamilya.

    Nararanasan, nadarama natin

    Tunay na pagkakaisa.

    Pag-ibig ang siyang nagpapakilala

    Na tayo’y lingkod ng Diyos na Jehova.

    Siya ay tularan, ating ipakita

    Ang pag-ibig. Diyos ay pag-ibig.