PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

(Efeso 4:3)

  1. 1. Sa mundong may kaguluhan,

    Si Jehova ay may bayan,

    Naglilingkod nang payapa

    at nagkakaisa.

    Pagkakaisa ay

    dapat mahalin.

    Kay rami nating gawain,

    Diyos gumagabay sa atin.

    Manatiling masunurin;

    Buklod patibayin.

  2. 2. Isip ay pagkaisahin,

    At kung tayo’y mabait din,

    Pag-ibig lalong titibay,

    Kagalakang tunay.

    Nakagiginhawa,

    kay sarap damhin.

    Pag-ibig sa kapatiran,

    Dulot ay kapayapaan.

    Dahil dito’y nabubuklod

    Habang naglilingkod.