Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Mga Kanta

Makakabangon Ako

Makakabangon Ako
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

I-download:

  1. 1. Ang puso ko ay labis na nalulumbay.

    Jehova, ako ay nagkamali.

    Sa ’king panghihina, kailangan ko ang lakas.

    Inaasam-asam makabalik.

    (KORO)

    Madalas maalaala natutuhan ko.

    Katotohanan sa ’yong Salita.

    At kung ako’y matisod, o kaya’y mab’wal,

    Makakabangon.

  2. 2. Naaalala ko pa rin

    Sa ’ki’y nagmamahal.

    Mahal din nila si Jehova.

    Gaya ng lampara, ang Salita mo ay gabay.

    Sa landas ng buhay inaakay.

    (BRIDGE)

    Sa’n man magtungo, nakikita ko, aking natatanto:

    Wakas malapit na.

    (KORO)

    O, Jehova, ’king Ama, dalangi’y dinggin.

    Ang ’yong tulong ay aking kailangan.

    Kahit maraming ulit na matisod,

    Makakabangon.

    (BRIDGE)

    Jehova’y maunawain; Ako ay tutulungan niya.

    Alam niya ang lahat at ’di niya ’ko itatakwil.

    Tinitingnan ay mabuti.

    (KORO)

    Kaya’t dadalo ako ngayon; damhin ang pag-ibig.

    Babalik kung sa’n kabilang.

    At kung ako’y matisod, o kaya’y mab’wal, ako’y babangon.

    Makakabangon.