PAGKAKAAYOS
Text

I-download:

  1. 1. Jehova, amang nasa langit,

    Ikaw ang aming Maylikha.

    ’Tinayong dako ng pagsamba,

    Kulang para tahanan mo.

    B’ong puso naming iaalay

    Ang dakong banal na ito.

    Nagkakaisa kami ngayon

    Nang ’yong puso’y mapasaya.

    (BRIDGE)

    Ang lahat ng taglay,

    Pagpapalang bigay mo.

    Anumang handog namin

    Ay nanggaling sa ’yo.

    (KORO)

    Pasasalamat sa ’ming puso,

    Aawitin namin sa ’yo.

    Pinangyari mong maitayo—

    Dako ng papuri sa ’yo.

  2. 2. Ang dakong ito, O Jehova,

    Nawa’y magbigay-papuri.

    At tulungan mananamba mo,

    Manatili sa ’yong daan.

    Mangyari nawa, ’yong layunin

    Para sa dako na ito.

    At upang maipagpatuloy

    Ang atas na ’binigay mo.

    (BRIDGE)

    Aming ibibigay

    Ang buong makakaya.

    Ika’y karapat-dapat

    Sa aming papuri.

    (KORO)

    Pasasalamat sa ’ming puso

    Aawitin namin sa ’yo.

    Pinangyari mong maitayo—

    Dako ng papuri sa ’yo.