Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Umawit kay Jehova—Mga Bagong Awit

 Awit 146

Ginawa Ninyo Iyon sa Akin

Ginawa Ninyo Iyon sa Akin

I-download:

(Mateo 25:34-40)

  1. Mga ibang tupa, kamanggagawa ng

    pinahiran na kapatid ni Kristo.

    Kaaliwa’t tulong

    para sa kanila

    para kay Jesus dapat lang gantihan.

    (KORO)

    “Pag-aliw at tulong n’yo sa kanila,

    parang ginawa n’yo na rin sa akin.

    Pagpapagal n’yo para sa kanila,

    pagpapagal n’yo na rin sa akin.

    Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”

  2. “Sa gutom at uhaw, inaliw n’yo ako,

    nangailangan ako at nandiyan kayo.”

    Sila’y magtatanong,

    “Kailan ’yon ginawa?”

    Hari’y tutugon, sagot sa kanila:

    (KORO)

    “Pag-aliw at tulong n’yo sa kanila,

    parang ginawa n’yo na rin sa akin.

    Pagpapagal n’yo para sa kanila,

    pagpapagal n’yo na rin sa akin.

    Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”

  3. “Matapat sa akin, nangangaral kayo,

    mga kapatid ko, kasama ninyo.”

    Hari’y magsasabi

    sa mga tupa niya:

    “Lupa’y manahin, sakdal-buhay kamtin.”

    (KORO)

    “Pag-aliw at tulong n’yo sa kanila,

    parang ginawa n’yo na rin sa akin.

    Pagpapagal n’yo para sa kanila,

    pagpapagal n’yo na rin sa akin.

    Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”