Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN OKTUBRE 2015

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Posible ba ang isang daigdig na walang kahirapan?

Paano pangyayarihin ng diyos ang isang daigdig na walang kahirapan?—Mateo 6:9, 10.

Milyon-milyon ang namamatay taon-taon dahil sa malnutrisyon at sakit na dulot ng sobrang kahirapan. Kahit na may kasaganaan sa ilang lugar sa daigdig, malaking porsiyento pa rin ng mga tao ang dumaranas ng matinding kahirapan. Ipinakikita ng Bibliya na matagal nang problema ng tao ang kahirapan.—Basahin ang Juan 12:8.

Para magwakas ang kahirapan, kailangan ang isang pandaigdig na gobyerno. Dapat na kaya ng gobyernong ito na ibahagi nang pantay-pantay ang mga likas na yaman ng mundo at alisin ang mga digmaan, na siyang pangunahing dahilan ng kahirapan. Nangako ang Diyos ng gayong pandaigdig na gobyerno.—Basahin ang Daniel 2:44.

Sino ang makapag-aalis ng kahirapan?

Inatasan ng Diyos ang kaniyang Anak, si Jesus, na mamahala sa lahat ng tao. (Awit 2:4-8) Ililigtas ni Jesus ang mga dukha at wawakasan ang paniniil at karahasan.—Basahin ang Awit 72:8, 12-14.

Bilang ang inihulang “Prinsipe ng Kapayapaan,” pangyayarihin ni Jesus na magkaroon ng kapayapaan at katiwasayan sa buong mundo. At ang lahat ng tao sa lupa ay titira sa kani-kaniyang bahay, masisiyahan sa pagtatrabaho, at magkakaroon ng saganang pagkain.—Basahin ang Isaias 9:6, 7; 65:21-23.

 

Higit Pang Impormasyon

Ano ang Gagawin ni Jesus sa Hinaharap?

Kikilos si Jesus para magkaroon ng kapayapaan sa lupa.

Posible Bang Magkaroon ng Isang Gobyerno na Para sa Buong Mundo?

Isipin ang kapayapaan at katiwasayan sa isang pandaigdig na gobyerno. Bakit tayo makapagtitiwala na magtatatag ang Diyos ng gayong gobyerno? Sino ang tamang-tamang tagapamahala nito?