Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Bantayan  |  Setyembre 2015

 TAMPOK NA PAKSA | MGA SAKSI NI JEHOVA—SINO SILA?

Anong Uri ng mga Tao ang mga Saksi ni Jehova?

Anong Uri ng mga Tao ang mga Saksi ni Jehova?

Kami ay isang internasyonal na organisasyon, at hindi kami konektado sa ibang relihiyosong grupo. Bagaman nasa Estados Unidos ang aming pandaigdig na punong-tanggapan, karamihan ng mga Saksi ni Jehova ay nakatira sa iba’t ibang bansa. Sa katunayan, mga walong milyon sa amin ang nagtuturo ng Bibliya sa mga tao sa mahigit 230 lupain. Bilang pagsunod ito sa sinabi ni Jesus: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa.”Mateo 24:14.

Saanman kami nakatira, buong-katapatan naming sinusunod ang batas. Pero sinisikap naming manatiling neutral sa politika. Ito ay dahil sinusunod namin ang tagubilin ni Jesus para sa mga Kristiyano na “hindi sila bahagi ng sanlibutan.” Kaya hindi kami nakikibahagi sa politikal na mga usapin at gawain ni sumusuporta man sa mga digmaan. (Juan 15:19; 17:16) Sa katunayan, noong Digmaang Pandaigdig II, ang mga Saksi ni Jehova ay ibinilanggo, pinahirapan, at pinatay pa nga dahil ayaw nilang ikompromiso ang kanilang neutralidad. Isang dating obispong Aleman ang sumulat: “Talagang masasabi nilang sila lamang ang relihiyong tumangging magsundalo noong Third Reich.”

‘Ang mga Saksi ni Jehova ay matatag pagdating sa moral. Magagamit natin ang di-makasariling mga taong iyon kahit na sa pinakamataas na tungkulin sa politika—subalit hinding-hindi natin sila mailalagay sa mga puwestong iyon. . . . Kinikilala nila ang awtoridad ng mga pamahalaan, pero naniniwala sila na tanging Kaharian ng Diyos lang ang makalulutas sa lahat ng problema ng tao.’—Pahayagang Nová Svoboda, Czech Republic.

Gayunman, hindi namin ibinubukod ang aming sarili. Nang manalangin si Jesus sa Diyos tungkol sa kaniyang mga tagasunod, hindi niya hiniling na “alisin sila sa sanlibutan.” (Juan 17:15) Kaya makikita ninyo kami na nagtatrabaho, namimili, at pumapasok sa paaralan sa aming komunidad.

Higit Pang Impormasyon

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Ano ang Kaharian ng Diyos?

Tingnan kung bakit masasabing nakahihigit ang Kaharian ng Diyos sa ibang gobyerno.