Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN SETYEMBRE 2015

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Bakit may mga hula sa Bibliya?

Bakit inilalarawan ng bibliya ang mga pangyayari sa ating panahon?—Lucas 21:10, 11.

Maraming detalyadong hula sa Bibliya. Walang tao ang detalyadong makahuhula ng mangyayari sa hinaharap. Kaya ang katuparan ng mga hula sa Bibliya ay nakakakumbinsing ebidensiya na ang Bibliya ay Salita ng Diyos.Basahin ang Josue 23:14; 2 Pedro 1:20, 21.

Ang mga hula sa Bibliya na natupad na ay matibay na saligan para manampalataya tayo sa Diyos. (Hebreo 11:1) Pinatitibay rin nito ang pagtitiwala natin na matutupad ang mga pangako ng Diyos tungkol sa isang magandang kinabukasan. Kaya ang Bibliya ay nagbibigay sa atin ng tiyak na pag-asa.Basahin ang Awit 37:29; Roma 15:4.

Paano tayo tinutulungan ng mga hula sa Bibliya?

May mga hula na nagbibigay sa mga lingkod ng Diyos ng babala para kumilos. Halimbawa, nang makita ng mga Kristiyano noong unang siglo na natutupad ang ilang hula, umalis sila sa Jerusalem. Nang mawasak ang lunsod dahil tinanggihan ng karamihan si Jesus, ang mga Kristiyano ay nasa ligtas na lugar na, malayo sa Jerusalem.Basahin ang Lucas 21:20-22.

Sa ngayon, ipinakikita ng mga natupad na hula na malapit nang wakasan ng Kaharian ng Diyos ang mga kaharian at gobyerno ng tao. (Daniel 2:44; Lucas 21:31) Kaya dapat apurahang kumilos ngayon ang bawat tao para makamit ang pagsang-ayon ni Jesu-Kristo, na hinirang ng Diyos bilang Hari.Basahin ang Lucas 21:34-36.

 

Higit Pang Impormasyon

Ano ang Kaharian ng Diyos?

Tingnan kung bakit masasabing nakahihigit ang Kaharian ng Diyos sa ibang gobyerno.

Kung Paano Inihula ni Daniel ang Pagdating ng Mesiyas

Mahigit 500 taon patiuna, isiniwalat ng Diyos kung kailan eksaktong darating ang Mesiyas. Alamin ang tungkol sa kamangha-manghang hulang ito!