Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN MARSO 2015

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Bakit dapat alalahanin ang kamatayan ni Jesus?

Anong pag-asa sa hinaharap ang naging posible dahil sa kamatayan ni Jesus?—Isaias 25:8; 33:24

Ang kamatayan ni Jesus ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan—namatay siya para maibalik ang kasakdalan ng tao. Hindi nilalang ang tao para gumawa ng masama, magkasakit, o mamatay. (Genesis 1:31) Pero pumasok ang kasalanan sa sanlibutan dahil sa unang taong si Adan. Ibinigay ni Jesus ang buhay niya para mailigtas tayo mula sa kasalanan at kamatayan.—Basahin ang Mateo 20:28; Roma 6:23.

Ipinakita ng Diyos ang kaniyang namumukod-tanging pag-ibig nang isugo niya sa lupa ang kaniyang Anak para mamatay alang-alang sa atin. (1 Juan 4:9, 10) Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya na alalahanin ang kaniyang kamatayan sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya na may tinapay at alak. Sa pagsasagawa nito taon-taon, maipakikita natin ang ating pasasalamat sa pag-ibig na ipinakita ng Diyos at ni Jesus.—Basahin ang Lucas 22:19, 20.

Sino ang dapat makibahagi sa tinapay at alak?

Nang unang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga alagad na alalahanin ang kamatayan niya, binanggit niya ang tungkol sa isang tipan, o kasunduan. (Mateo 26:26-28) Nagbukas ito ng pagkakataon sa kanila at sa iba pa na may limitadong bilang para maging mga hari at saserdote sa langit kasama ni Jesus. Bagaman inaalaala ng milyon-milyon ang kamatayan ni Jesus, ang mga kasama lang sa tipan ang nakikibahagi sa tinapay at alak.—Basahin ang Apocalipsis 5:10.

Sa loob ng halos 2,000 taon, pinipili na ni Jehova kung sino ang magiging mga hari. (Lucas 12:32) Kakaunti lang sila kumpara sa mga mabubuhay magpakailanman sa lupa.—Basahin ang Apocalipsis 7:4, 9, 17.

 

Higit Pang Impormasyon

Memoryal ng Kamatayan ni Jesus

Milyun-milyon ang nagtitipon taun-taon para sa anibersaryo ng kamatayan ni Jesus. Alamin ang kahalagahan ng okasyong ito sa iyong buhay.

Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos

Ano ang pantubos? Paano ka makikinabang dito?

Sa Krus ba Namatay si Jesus?

Itinuturing ng marami ang krus bilang simbolo ng Kristiyanismo. Dapat ba itong gamitin sa pagsamba?