Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN NOBYEMBRE 2014

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Talaga bang bumuhay ng mga patay si Jesus?

Binuhay-muli ni Jesus si Lazaro, na apat na araw nang patay

Malinaw na iniulat ng Bibliya na bumuhay ng mga patay si Jesus. Hindi lang kuwento ang mga ito; nangyari talaga ito sa totoong lugar at espesipikong panahon. Halimbawa, noong tag-araw ng 31 C.E., naglakbay si Jesus kasama ng isang malaking grupo mula Capernaum patungong Nain. Pagdating doon, may nasalubong silang isang libing. Ang nangyari doon na pagbuhay-muli ay mapaniniwalaan mo dahil iniulat ito sa Salita ng Diyos at nasaksihan ito ng lahat ng naroroon.—Basahin ang Lucas 7:11-15.

Binuhay rin ni Jesus ang kaibigan niyang si Lazaro, na apat na araw nang patay. Mapaniniwalaan mo ang ulat na ito dahil marami ring nakasaksi sa pangyayaring ito.—Basahin ang Juan 11:39-45.

Bakit bumuhay ng mga patay si Jesus?

Bumuhay ng mga patay si Jesus dahil maawain siya. Isa pa, ginawa niya ito para ipakitang binigyan siya ng kaniyang Ama, ang Maylalang ng buhay, ng kapangyarihan laban sa kamatayan.—Basahin ang Juan 5:21, 28, 29.

Ang mga pagbuhay-muli na ginawa ni Jesus ay tumutulong sa atin na magtiwala sa pangako niya. Marami pa siyang bubuhaying muli, kasama na ang mga di-matuwid na tao na hindi nakakilala sa tunay na Diyos. Bibigyan sila ng pagkakataong makilala at mahalin ang Diyos na Jehova.—Basahin ang Gawa 24:15.

 

Higit Pang Impormasyon

Ano ang Pagkabuhay-Muli?

Baka magulat ka kung sino ang mga bubuhaying muli.

Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay

Namatayan ka na ba ng mahal sa buhay? Makikita mo pa kaya silang muli? Alamin ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli.