Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN HUNYO 2014

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

May layunin ba kung bakit nilikha ang ating planeta?

Ang lupa ay dinisenyo para maging isang napakasayang tahanan ng mga tao

Ang ating planeta ay tamang-tama para tirhan ng mga bagay na may buhay. Sagana ito sa tubig, na mahalaga sa buhay. Ang orbit, pag-ikot, at pagkakahilig ng axis ng lupa ay tamang-tama lang para hindi magyelo o mag-init nang husto ang karagatan. Pinoprotektahan ng atmospera at ng magnetic field ang lupa mula sa nakamamatay na radyasyon. Kahanga-hanga ang pagtutulungan ng buhay-halaman at buhay-hayop. Kaya naman iniisip ng marami na talagang may layunin ang pagkakadisenyo sa lupa.Basahin ang Isaias 45:18.

Pero baka maitanong mo, ‘Kasama ba sa layuning ito ang pagdurusa at kawalang-katarungan?’Basahin ang Deuteronomio 32:4, 5.

Matutupad ba ang layunin para sa lupa?

Dinisenyo ang lupa para maging masayang tahanan ng mga taong may paggalang sa isa’t isa at umiibig sa kanilang Maylalang. Kaya may nakahihigit na layunin ang pagkakalikha sa mga tao kaysa sa mga hayop at halaman. Puwede nating makilala ang ating Maylalang at pahalagahan at tularan ang kaniyang pag-ibig at katarungan.Basahin ang Eclesiastes 12:13; Mikas 6:8.

Magagawa ng ating Maylikha ang lahat ng gusto niyang gawin. Kaya makatitiyak tayong aalisin niya ang pagdurusa at kawalang-katarungan, at gagawing napakasayang tahanan ng tao ang ating planeta.Basahin ang Awit 37:11, 29; Isaias 55:11.

Higit Pang Impormasyon

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?

Matutupad ba ang layunin ng Diyos na magkaroon ng isang paraisong lupa? Kung oo, kailan?