Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN ENERO 2014

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Anong uri ng persona ang Diyos?

Ang Diyos ay isang di-nakikitang espiritung persona. Nilalang niya ang langit, lupa, at ang lahat ng nabubuhay na bagay. Walang lumalang sa Diyos—wala siyang pasimula. (Awit 90:2) Gusto ng Diyos na hanapin siya ng mga tao at alamin ang katotohanan tungkol sa kaniya.Basahin ang Gawa 17:24-27.

Ang Diyos ay isang persona na maaari nating makilala sa pangalan. Malalaman natin ang mga katangian niya sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa mga bagay na ginawa niya. (Roma 1:20) Pero upang higit na makilala ang Diyos, kailangan nating pag-aralan ang kaniyang Salita, ang Bibliya. Sinasabi nito sa atin ang maibiging personalidad ng Diyos.Basahin ang Awit 103:7-10.

Ano ang nadarama ng Diyos hinggil sa kawalang-katarungan?

Kinapopootan ng ating Maylalang na si Jehova ang kawalang-katarungan. (Deuteronomio 25:16) At nilalang niya ang tao ayon sa kaniyang larawan. Iyan ang dahilan kung bakit ang karamihan sa atin ay napopoot sa kawalang-katarungan. Hindi kagagawan ng Diyos ang kawalang-katarungang nakikita natin. Binigyan ng Diyos ang tao ng kalayaang magpasiya. Pero ginagamit ng maraming tao ang kanilang kalayaang magpasiya sa maling paraan at nakikitungo nang walang katarungan. Nalungkot si Jehova.Basahin ang Genesis 6:5, 6; Deuteronomio 32:4, 5.

Si Jehova ay maibigin sa katarungan, at hindi niya pahihintulutan magpakailanman ang kawalang-katarungan. (Awit 37:28, 29) Nangangako ang Bibliya na malapit nang wakasan ng Diyos ang lahat ng kawalang-katarungan.Basahin ang 2 Pedro 3:7-9, 13.

Nangangako ang Bibliya na malapit nang pairalin ng Diyos ang katarungan para sa lahat

Higit Pang Impormasyon

Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?

Nagmamalasakit kaya sa iyo ang Diyos? Alamin ang mga katangian niya at kung paano ka mapapalapít sa kaniya.