Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN NOBYEMBRE 2013

 TAMPOK NA PAKSA | BAKIT NAHIHIRAPAN ANG ILAN NA MAHALIN ANG DIYOS?

Kasinungalingan 1: Walang Pangalan ang Diyos

Kasinungalingan 1: Walang Pangalan ang Diyos

ANG PANINIWALA NG MARAMI

“Hindi kami magkasundo kung talagang may pangalan ang Diyos, o kung mayroon man, ano kaya ito?”—Propesor David Cunningham, Theological Studies.

ANG KATOTOHANAN MULA SA BIBLIYA

Sinabi ng Diyos: “Ako ay si Jehova. Iyan ang pangalan ko.” (Isaias 42:8) Jehova ang pangalan ng Diyos sa wikang Hebreo na nangangahulugang “Kaniyang Pinangyayaring Magkagayon.”Genesis 2:4.

Gusto ni Jehova na gamitin natin ang kaniyang pangalan. “Tumawag kayo sa kaniyang pangalan,” ang sabi ng Bibliya. “Ihayag ninyo sa gitna ng mga bayan ang kaniyang mga ginagawa. Banggitin ninyo na ang kaniyang pangalan ay natanyag.”Isaias 12:4.

Ginamit ni Jesus ang pangalan ng Diyos. Sa panalangin, sinabi ni Jesus kay Jehova: “Ipinakilala ko sa kanila [mga alagad ni Jesus] ang iyong pangalan at ipakikilala ito.” Bakit ipinakilala ni Jesus ang pangalan ng Diyos sa kaniyang mga alagad? Sinabi pa niya: “Upang ang pag-ibig na inibig mo [ang Diyos] sa akin ay mapasakanila at ako ay maging kaisa nila.”Juan 17:26.

KUNG BAKIT ITO MAHALAGANG PAG-ISIPAN

Isinulat ng teologong si Walter Lowrie: “Ang taong hindi nakakakilala sa Diyos sa pangalan ay hindi talaga nakakakilala sa kaniya bilang isang persona, . . . at hindi niya maiibig siya, kung ang alam niya’y isa lamang puwersa ito at hindi isang persona.”

Ang pagtatanggal o pagpapalit sa personal na pangalan ng Diyos ay gaya ng pag-aalis nito sa Bibliya

Isang lalaking nagngangalang Victor ang nagsisimba linggu-linggo. Pero sa palagay niya, hindi niya talaga nakikilala ang Diyos. “Pagkatapos, nalaman kong Jehova ang pangalan ng Diyos, at parang opisyal siyang ipinakilala sa akin,” ang sabi niya. “Nasabi ko na sa wakas, nakilala ko na rin ang Isa na tungkol sa kaniya ay marami na akong naririnig. Nakilala ko siya bilang isang tunay na Persona at nalinang ko ang pakikipagkaibigan sa kaniya.”

Si Jehova naman ay nagiging malapít sa mga taong gumagamit ng kaniyang pangalan. Tungkol sa “mga palaisip sa kaniyang pangalan,” nangangako ang Diyos: “Mahahabag ako sa kanila, gaya ng pagkahabag ng isang tao sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya.” (Malakias 3:16, 17) Ginagantimpalaan din ng Diyos ang mga tumatawag sa kaniyang pangalan. Sinasabi ng Bibliya: “Ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.”Roma 10:13.