Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN SETYEMBRE 2013

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Paano magiging maligaya ang mag-asawa?

Mabisa ang payo ng Bibliya tungkol sa pagkakaroon ng maligayang pag-aasawa dahil galing ito sa Tagapagpasimula ng pag-aasawa, ang Diyos na Jehova. Tinuturuan tayo nito na maglinang ng magagandang katangian na makatutulong para maging maligaya ang mag-asawa. Nagbababala ito tungkol sa mga saloobing makasisira sa pag-aasawa. Itinuturo din nito kung paano makikipag-usap para maging mas maligaya ang mag-asawa.Basahin ang Colosas 3:8-10, 12-14.

Dapat parangalan at igalang ng mag-asawa ang isa’t isa. Kapag ginagampanan ng bawat isa ang papel na ibinigay sa kanila ng Diyos bilang mag-asawa, maaari silang maging maligaya.Basahin ang Colosas 3:18, 19.

Ano ang makatutulong para magtagal ang pagsasama ng mag-asawa?

Kung mahal ng mag-asawa ang isa’t isa, tatagal ang kanilang pagsasama. Tinuturuan tayo ng Diyos kung paano magmahal. Siya at ang kaniyang Anak, si Jesus, ay nagpakita ng sakdal na halimbawa ng mapagsakripisyong pag-ibig.Basahin ang 1 Juan 4:7, 8, 19.

Kung iginagalang ng mag-asawa ang kaayusan ng Diyos sa pag-aasawa, mananatili silang magkasama. Nilayon ng Diyos na permanenteng magsama ang lalaki at babae para protektahan ang pamilya. Posibleng magtagal ang pagsasama ng mag-asawa dahil nilalang ng Diyos ang lalaki at babae para suportahan ang isa’t isa sa pisikal at emosyonal na paraan. Ginawa rin ng Diyos ang tao ayon sa Kaniyang larawan, na may kakayahang tularan ang Kaniyang pag-ibig.Basahin ang Genesis 1:27; 2:18, 24.

Higit Pang Impormasyon

Umasa sa Diyos Para sa Masayang Pag-aasawa

May dalawang tanong na tutulong sa inyong mag-asawa na maging masaya.

Kung Paano Makikipagkompromiso

May apat na paraan na makatutulong sa inyong mag-asawa para maiwasan ang pagtatalo, at sa halip ay magkasamang gumawa ng solusyon.