Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN HULYO 2013

May Relihiyon Bang Karapat-dapat sa Iyong Pagtitiwala?

May Relihiyon Bang Karapat-dapat sa Iyong Pagtitiwala?

Kung nadismaya ka sa isang relihiyon, baka mahirapan ka nang magtiwala sa anumang relihiyon. Ngunit makatitiyak ka na may relihiyong karapat-dapat sa iyong pagtitiwala. Noong nasa lupa si Jesus, tinipon niya ang isang grupo ng tapat na mga tagasunod at tinuruan sila na mamuhay ayon sa mga pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, mayroon pa ring tunay na mga tagasunod si Kristo—mga tao na maingat na nagsisikap na mamuhay ayon sa mga pamantayang Kristiyano. Saan mo sila matatagpuan?

Si Estelle na nabanggit sa naunang artikulo ay nagsabi: “Natuto ako sa Bibliya nang makipag-aral ako sa mga Saksi ni Jehova. Hindi nagtagal at naunawaan ko ang Juan 8:32, na nagsasabi: ‘Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.’”

Si Ray na nabanggit kanina ay nagsabi: “Nang makipag-aral ako ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, nalaman ko na hindi pala ang Diyos ang dahilan ng pagdurusa ng tao. Nagpapasalamat ako na naunawaan kong bagaman may mabuting dahilan ang Diyos sa pagpapahintulot ng kasamaan sa ngayon, nangangako naman siya na malapit na niya itong alisin.”

Totoo, mahirap sumalunga sa agos ng mababang pamantayan sa moral ng daigdig na ito. Pero posible ito. Marami ang nagnanais ng tulong para maunawaan at maikapit nila ang turo ng Bibliya. Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Saksi ni Jehova ay nagsasaayos ng libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa milyun-milyong tao sa buong daigdig. Linggu-linggo, natututuhan ng marami kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya. Dahil dito, napapalapít sila sa kanilang Maylalang, at nagkakaroon sila ng mas maligayang buhay. *

Tanungin ang mga Saksi ni Jehova kung bakit sila nagtitiwala sa kanilang relihiyon

Kapag may nakausap kang Saksi ni Jehova, tanungin mo sila kung bakit sila nagtitiwala sa kanilang relihiyon. Suriin ang kanilang mga turo at pamumuhay. Pagkatapos, magpasiya kung may relihiyong karapat-dapat sa iyong pagtitiwala.

^ par. 5 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

Higit Pang Impormasyon

Paano Mo Makikilala ang Tunay na Relihiyon?

Iisa lang ba ang tunay na relihiyon? Alamin ang limang pagkakakilanlan ng tunay na relihiyon.

Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?

Naisip mo bang, ‘Busy ako,’ o ‘Ayoko ng obligasyon’?