Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Bantayan  |  Pebrero 2013

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Saan nagmula ang Diyablo?

Hindi nilalang ng Diyos ang Diyablo. Pero isang anghel na nilalang Niya ang nagpakasama kaya ito ay naging Diyablo, na tinatawag ding Satanas. Ipinahiwatig ni Jesus na noong una ang Diyablo ay hindi sinungaling at walang kasalanan. Kaya ang Diyablo ay isang dating matuwid na anghel na anak ng Diyos.—Basahin ang Juan 8:44.

Paano naging Diyablo ang isang anghel?

Kinalaban ng anghel na iyon ang Diyos at inudyukan ang unang mag-asawa na sumama sa kaniya. Kaya siya ang gumawa sa kaniyang sarili na Satanas, o “Mananalansang.”—Basahin ang Genesis 3:1-5; Apocalipsis 12:9.

Gaya ng ibang matatalinong nilalang ng Diyos, ang anghel na naging Diyablo ay may kalayaang pumili kung gagawin niya ang tama o mali. Pero hinangad niyang siya ang sambahin. Ang paghahangad niya ng kaluwalhatian ay mas matindi kaysa sa paghahangad niyang mapaluguran ang Diyos.—Basahin ang Mateo 4:8, 9; Santiago 1:13, 14.

Paano patuloy na iniimpluwensiyahan ng Diyablo ang mga tao? Dapat mo ba siyang katakutan? Makikita mo sa Bibliya ang mga sagot.

Higit Pang Impormasyon

ANO BA TALAGA ANG ITINUTURO NG BIBLIYA?

Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan

Binabanggit ng Bibliya na may mga anghel at mga demonyo. Totoo ba ang mga ito? Puwede ka ba nilang maapektuhan?