Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN NOBYEMBRE 2009

Kawing-kawing na Turo

Kawing-kawing na Turo

 Kawing-kawing na Turo

“MAG-INGAT,” ang isinulat ni apostol Pablo sa mga Kristiyanong nabuhay noong huling kalahating bahagi ng unang siglo C.E. Mag-ingat sa ano? “Baka may sinumang tumangay sa inyo bilang kaniyang nasila sa pamamagitan ng pilosopiya at walang-katuturang panlilinlang ayon sa tradisyon ng mga tao.”—Colosas 2:8.

Sa kabila ng babala ni Pablo, mula noong kalagitnaan ng ikalawang siglo C.E., itinaguyod pa rin ng ilang Kristiyano ang ideya ng sinaunang mga pilosopo upang ipaliwanag ang kanilang paniniwala. Bakit? Gusto kasi nilang tanggapin sila ng mga taong edukado sa Imperyo ng Roma at sa gayo’y marami pa silang makumberte.

Naniniwala si Justin Martyr, isa sa pinakakilala sa mga Kristiyanong ito, na ang Tagapagsalita ng Diyos ay nagpakita sa mga pilosopong Griego bago pa dumating si Jesus sa lupa. Ayon kay Justin at sa mga nagtuturo ng gayunding mga ideya, nakatulong nang malaki sa Kristiyanismo ang sinaunang pilosopiya at mitolohiya para maging katanggap-tanggap ito sa maraming tao.

Dahil sa ginawang ito ni Justin Martyr, napakarami ang nakumberte sa Kristiyanismo. Pero ang pagtanggap ng isang maling turo ay nauwi sa kawing-kawing na doktrinang itinuturo ngayon ng Kristiyanismo. Upang malaman natin ang mga ito, ihambing ang sinasabi ng sumusunod na mga reperensiya sa kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya.

[Picture Credit Lines sa pahina 3]

Devil: Barrators—Giampolo/The Doré Illustrations For Dante’s Divine Comedy/Dover Publications Inc.; angels: Art Resource, NY; trinity relief: Museo Bardini, Florence