Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN—EDISYON PARA SA PAG-AARAL Abril 2014

Susuriin sa isyung ito kung paano natin matutularan ang pananampalataya ni Moises, kung ano ang pananaw ni Jehova sa mga obligasyon sa pamilya, at kung paano niya tayo tinutulungang gampanan iyon.

Tularan ang Pananampalataya ni Moises

Paano nakatulong ang pananampalataya para malabanan ni Moises ang makalamang mga pagnanasa at mapahalagahan ang pribilehiyo niyang maglingkod kay Jehova? Bakit ‘tuminging mabuti si Moises sa gantimpalang kabayaran’?

Nakikita Mo ba ang “Isa na Di-nakikita”?

Paano nakatulong ang pananampalataya para madaig ni Moises ang takot sa tao at magtiwala sa pangako ng Diyos? Patibayin ang iyong pananampalataya para makita mo si Jehova bilang isang totoong Persona na handang tumulong sa iyo.

TALAMBUHAY

Buong-Panahong Paglilingkod—Kung Saan Ako Inakay Nito

Alamin kung bakit sinabi ni Robert Wallen na naging kasiya-siya at makabuluhan ang kaniyang buhay dahil sa 65 taon ng buong-panahong paglilingkod.

Walang Sinumang Makapaglilingkod sa Dalawang Panginoon

May mga nag-a-abroad para kumita ng mas malaki. Paano maaaring manganib ang kaugnayan nila sa kanilang asawa, mga anak, at sa Diyos?

Lakasan Mo ang Iyong Loob—Si Jehova ang Iyong Katulong!

Paano inayos ng isang ama ang kaniyang pamilya pagkabalik mula sa abroad? Paano siya tinulungan ni Jehova na mapaglaanan ang kaniyang pamilya?

Pinahahalagahan Mo ba ang Pagbabantay ni Jehova?

Alamin ang limang paraan kung paano tayo binabantayan ng Diyos at kung paano tayo nakikinabang dito.

Alam Mo Ba?

Noong panahon ng Bibliya, bakit pinupunit, o hinahapak, ng isa ang kaniyang mga kasuutan?