Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

GUMISING! PEBRERO 2015

 TAMPOK NA PAKSA | PRAKTIKAL PA BA ANG BIBLIYA SA NGAYON?

Mga Pamantayang Hindi Kumukupas—Pagpipigil sa Sarili

Mga Pamantayang Hindi Kumukupas—Pagpipigil sa Sarili

SIMULAIN SA BIBLIYA: “Inilalabas ng hangal ang kaniyang buong espiritu, ngunit siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon.”Kawikaan 29:11.

“Para akong inagaw sa kamatayan!”

MGA PAKINABANG: Kung ililista mo ang lahat ng pakinabang ng pagpipigil sa sarili, mangangailangan ka ng napakaraming papel! Sa kalusugan pa lang, may pakinabang na ito. “Ang pusong mahinahon ay buhay ng katawan,” ang sabi ng Bibliya. Sinasabi rin nito na “ang masayang puso ay nakabubuti bilang pampagaling.” (Kawikaan 14:30; 17:22) Sa kabaligtaran, ipinakikita ng mga pagsusuri na ang mga taong magagalitin at madalas makipagtalo ay mas malamang na magkasakit, lalo na sa puso. Pero siyempre, marami pang ibang pakinabang ang pagpipigil sa sarili.

Sinabi ni Cassius, mahigit 30 anyos: “Palaaway ako noon at mainitin ang ulo. Halos wala akong respeto sa sarili ko. Pero nagbago ang lahat ng ’yan nang ikapit ko ang mga simulain sa Bibliya. Natutuhan kong kontrolin ang galit ko, at naging mapagpakumbaba ako at mapagpatawad. Kung hindi, siguro nasa kulungan na ’ko ngayon. Para akong inagaw sa kamatayan!”

Natutuhan ni Cassius na kontrolin ang kaniyang galit at maging mapagpatawad

Higit Pang Impormasyon

Paano Nakakatulong sa Atin ang mga Kautusan ng Diyos?

Sinabi ni Jesus kung bakit kailangan natin ng patnubay at kung ano ang dalawang pinakamahalagang utos ayon sa Bibliya.

Pamantayang Moral Para sa Maligayang Buhay

Karaniwan ang pangmalas na, ‘Kung sa tingin mo’y tama, gawin mo. Sundin mo ang puso mo.’ Katalinuhan ba iyan? Tingnan kung paano nagbibigay ang Bibliya ng mga pamantayang mapagkakatiwalaan mo.