Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Gumising!  |  Enero 2015

 MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Costa Rica

Pagbisita sa Costa Rica

LIMANG siglo na ang nakararaan nang unang matuklasan ng mga Kastila ang rehiyong ito. Tinawag nila itong Costa Rica (Mayamang Baybayin) sa pag-aakalang makakahukay sila ng napakaraming ginto​—isang misyong nabigo. Sa ngayon, kilalá ang Costa Rica, hindi sa ginto, kundi bilang isa sa mga bansang napakayaman sa iba’t ibang uri ng hayop at halaman.

Ang mga taga-Costa Rica ay tinatawag na mga Tico dahil sa kanilang nakagawiang pagdaragdag ng “-ico” sa dulo ng mga salita para tukuyin ang pagiging maliit o kaunti. Halimbawa, sa halip na sabihing “un momento” (sandali lang), sinasabi nilang “un momentico” (kaunting sandali lang). Madalas din nilang sabihing “¡pura vida!” (dalisay na buhay!) para ipakita ang kanilang pagpapahalaga o pagsang-ayon, o para sabihing “kumusta” o “paalam.”

Sa kagubatan ng Costa Rica, napakaraming iba’t ibang uri ng halaman at hayop, gaya ng red-eyed tree frog (Agalychnis callidryas)

Isa sa mga paboritong putahe ng mga taga-Costa Rica ay ang gallo pinto (ibig sabihin, “batik-batik na tandang”)​—bigas at balatong na niluluto nang hiwalay at  saka igigisa kasama ng ibang rekado. Puwede itong almusal, tanghalian, o hapunan. Ang tradisyonal na inumin naman nila ay café chorreado​—brewed coffee na sinala sa telang nakasabit sa patungan na kadalasang yari sa kahoy.

May mga 450 kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Costa Rica. Ginaganap ang mga pulong nila sa 10 wika, kabilang na ang Costa Rican Sign Language at 2 katutubong wika ng Costa Rica​—Bribri at Cabecar.

ALAM MO BA? May daan-daang makikinis na batong bilog na natagpuan sa Costa Rica. Ang pinakamalaki sa mga ito ay may diyametro na 2.4 metro. Tinataya na ang ilan sa mga ito ay mahigit 1,400 taon nang umiiral. Walang sinuman ang nakatitiyak kung bakit nilikha ang mga ito!

Mga batong bilog