Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

GUMISING! ENERO 2015

 TAMPOK NA PAKSA

Paano Nagsimula ang Buhay?

Paano Nagsimula ang Buhay?

Paano mo kukumpletuhin ang pangungusap na ito?

ANG BUHAY AY RESULTA NG ․․․․․.

  1. EBOLUSYON

  2. PAGLALANG

BAKA isipin ng ilan na “ebolusyon” ang pipiliin ng isang mahilig sa siyensiya at “paglalang” naman ang pipiliin ng isang relihiyoso.

Pero hindi laging gayon.

Sinabi ni Rama Singh, propesor ng biyolohiya sa McMaster University sa Canada: “Ang pagsalungat sa ebolusyon ay hindi lang nagmumula sa mga pundamentalista, at kabilang dito ang napakaraming edukadong tao.”

Kuning halimbawa si Gerard, propesor ng entomolohiya na tinuruan ng ebolusyon sa kolehiyo. “Kapag may mga exam kami,” sabi niya, “ang isinasagot ko ay y’ong gustong sagot ng mga propesor—pero hindi naman ‘yon ang pinaniniwalaan ko.”

Bakit nahihirapan, kahit ang mahihilig sa siyensiya, na tanggaping ang buhay ay nagmula sa ebolusyon? Para masagot iyan, talakayin natin ang dalawang tanong na naging palaisipan sa maraming mananaliksik: (1) Saan nagmula ang buhay? at (2) Paano na-develop ang mga bagay na may buhay?