Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

GUMISING! HULYO 2014

 MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Ireland

Pagbisita sa Ireland

ANG “Emerald Isle” ay binubuo ng dalawang bansa: ang independiyenteng Republic of Ireland na mas malaki, at ang mas maliit na Northern Ireland, na bahagi ng United Kingdom.

Giant’s Causeway

Emerald Isle ang tawag sa Ireland dahil sa berdeng-berdeng kabukiran nito na resulta ng saganang pag-ulan. Nakadaragdag din sa kagandahan nito ang mga lawa at ilog pati na ang mga burol nito at mga bundok sa tabing-dagat.

Cottage na may bubong na kugon

Maraming hirap na pinagdaanan ang mga Irish. Halimbawa, tinatayang mula noong mga 1845 hanggang 1851, mga isang milyon katao ang namatay sa sakit at gutom nang masira ang mga pananim na patatas dahil sa salot. Para matakasan ang kahirapan, marami ang nandayuhan sa mga bansang gaya ng Australia, Britanya, Canada, at Estados Unidos. Sa ngayon, mga 35 milyong Amerikano ang may mga ninunong taga-Ireland.

Kilaláng magiliw at mapagpatuloy ang mga Irish. Paborito nilang libangan ang pangangabayo at mga isport na gaya ng cricket, rugby, soccer (na tinatawag nilang football), at Gaelic football (kahawig ng soccer).  Karaniwan nang mga babae ang naglalaro ng isport na camogie, na kahawig ng field hockey.

Mahilig sa kuwentuhan ang mga taga-Ireland, at mahilig din sila sa musika. Kilalá sa buong daigdig ang Irish step dance. Tuwid na tuwid ang katawan ng mga mananayaw; napakabilis at eksakto ang galaw ng kanilang mga paa.

Mga manunugtog na Irish

Mahigit sandaang taon na sa Ireland ang mga Saksi ni Jehova. Sa ngayon, mahigit 6,000 Saksi ang nakatira doon at masigasig na nagtuturo ng Bibliya.

Ang tradisyonal na musika ng mga taga-Ireland ay ginagamitan ng mga instrumentong gaya ng makikita sa itaas, mula kaliwa pakanan: Celtic harp, Irish bagpipe, biyolin, akordiyon, tin whistle, at bodhran (tambol)

ALAM MO BA?

Ang Giant’s Causeway, sa hilagang baybayin ng Northern Ireland, ay binubuo ng libo-libong haligi ng batong basalto na nabuo nang tumigas ang sinaunang lava na humalo sa tubig-dagat.