Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Gumising!  |  Hunyo 2014

Pagmamasid sa Daigdig

Pagmamasid sa Daigdig

China

Umakyat nang 41 porsiyento ang bilang ng mga nagdiborsiyo sa Beijing noong unang siyam na buwan ng 2013 kumpara sa panahon ding iyon noong 2012. Ayon sa mga eksperto, malamang na dahil ito sa mga mag-asawa na gustong makaiwas sa 20 porsiyentong capital gains tax na sinisingil sa mga ibinebentang bahay. Sa ilang kalagayan, binabawasan ang tax para sa nagdiborsiyong mag-asawa na nagbebenta ng isa pa nilang bahay.

Daigdig

Sinabi ng United Nations na maaaring maging sagot sa malnutrisyon kung mas maraming tao ang kakain ng insekto. Ang nakakaing mga insekto ay masustansiya at ligtas kainin kahit ang kinakain nila ay hindi kinakain ng tao. Kaya ang mga ito ay “posibleng maging pamalit sa karne,” ayon sa isang report kamakailan. Pero aminado rin ang ulat na “may mga taong ayaw talagang kumain ng mga [insekto].”

Canada

Naguguluhan ang mga fertility clinic sa legal at moral na usapin tungkol sa kung ano ang gagawin sa mga frozen human embryo na hindi na matunton kung sino ang “may-ari.” Iniulat na sa isang klinika pa lang, mayroon nang 1,000 embryo ng mga ‘naglahong’ pasyente ng in vitro fertilization.

Ireland

Dalawa lang ang mapagpipilian ng mga Katolikong nagpapakasal sa Ireland—kasal sa simbahan o sa huwes. Pero noong 2013, nadagdagan ito ng isa pang opsyon—ang sekular na kasal na ginagawa ng grupo ng mga humanista. Ayon sa report ng Reuters, “tambak ang dami ng mga pumipili [sa bagong opsyon] dahil ayaw nilang basta lang makasal sa huwes pero ayaw din naman nilang magpakasal sa simbahan.”