Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

GUMISING! ABRIL 2014

 MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Cambodia

Pagbisita sa Cambodia

MGA nakalutang na nayon, matataong palengke, mga kalsadang punô ng motorsiklong may kargang kung ano-ano mula sa buháy na manok hanggang sa refrigerator—ilan lang ito sa tanawing makikita sa mga lugar sa Cambodia.

Ang mga taga-Cambodia ay kilaláng mababait, palakaibigan, at malapít sa isa’t isa. Sa di-pormal na pag-uusap, baka magtawagan pa nga sila ng kuya, ate, tiya, tiyo, lola, o lolo—kahit noon lang sila nagkakilala!

May mga taga-Cambodia na nakatira sa mga bahay na bangka; ang iba naman ay sa mga bahay na may matataas na tukod o itinayo sa nakalutang na plataporma. Mayroon pa ngang nakalutang na mga paaralan, klinika, palengke, at gasolinahan

Ang dragon fruit ay popular sa Cambodia

Kanin ang pangunahing pagkain sa Cambodia. Karaniwan nang tatlo o apat na ulam ang inihahain, at kadalasan nang may kasamang sabaw. Paborito nila ang isda. Sa hapag-kainan, karaniwang inihahain ang mga ulam na matamis, maasim, at maalat.

Mga 2,000 taon na ang nakararaan, ang mga mángangalakál na taga-India at mga pilgrim na papuntang  Tsina ay nagsimulang dumaong sa baybayin ng Cambodia at ipinagpalit nila ang kanilang mga seda at metal sa mga espesya, mababangong kahoy, garing, at ginto. Nang maglaon, naimpluwensiyahan ng India at Tsina ang Cambodia, kung kaya lumaganap ang Hinduismo at Budismo. Sa ngayon, mahigit 90 porsiyento ng mga tagarito ay Budista.

Ang mga Saksi ni Jehova sa Cambodia ay nagbibigay ng mensahe ng pag-asa mula sa Bibliya. Marami na silang natulungan gamit ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Makukuha ito sa mga 250 wika, pati na sa wikang Cambodian.

Mahigit 1,500 katao sa Cambodia ang nakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova at nasasagot ang kanilang mga tanong na gaya ng, “Nasaan ang mga patay?” at “Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa?”

Ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, inilalathala ng mga Saksi ni Jehova, ay makukuha sa wikang Cambodian.