Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Gumising!  |  Abril 2014

 TAMPOK NA PAKSA

Bakit Pa Kailangang Mabuhay?

Bakit Pa Kailangang Mabuhay?

KUNG titingnan mo si Diana, * mukha naman siyang matalino, palakaibigan, at masayahin. Pero sa likod nito, dumaranas pala siya ng matinding depresyon na tumatagal nang mga ilang araw, linggo, o mga buwan pa nga. “Araw-araw, lagi kong naiisip na sana’y mamatay na ako,” ang sabi niya. “Mabuti pang mawala na ako sa mundo.”

“Ipinakikita ng ilang pag- aaral na sa bawat natuloy na pagpapakamatay, 200 ang nagtangkang gawin ito at 400 katao naman ang nag-isip nito.”THE GAZETTE, MONTREAL, CANADA.

Sinasabi ni Diana na hinding-hindi naman siya magpapakamatay. Pero may mga panahong wala na siyang nakikitang dahilan para mabuhay pa. “Sana maaksidente na lang ako at mamatay,” ang sabi niya. “Ang tingin ko sa kamatayan ay kaibigan—hindi kaaway.”

Marami ang kagaya ni Diana, at ang ilan sa kanila ay nakapag-isip, o nagtangka nang magpakamatay. Pero sinasabi ng mga eksperto na karamihan sa mga nagtatangkang magpakamatay ay hindi naman talaga gustong mamatay; gusto lang nilang tapusin ang kanilang pagdurusa. Sa madaling salita, naniniwala silang may dahilan sila para mamatay; ang kailangan nila ay dahilan para mabuhay.

Bakit pa kailangang mabuhay? Isaalang-alang ang tatlong dahilan.

^ par. 3 Binago ang pangalan.