Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

GUMISING! ABRIL 2014

 TAMPOK NA PAKSA | BAKIT PA KAILANGANG MABUHAY?

Dahil May Pag-asa

Dahil May Pag-asa

Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.”AWIT 37:11.

Sinasabi ng Bibliya na “maikli ang buhay [ng tao] at lipos ng kaligaligan.” (Job 14:1) Sa ngayon, ang bawat tao ay dumaranas ng kani-kaniyang trahedya. Pero ang ilan ay nawawalan na ng pag-asa sa buhay, na para bang wala na silang matanaw na liwanag at wala na silang magandang kinabukasan. Ganiyan ka rin ba? Kung oo, magtiwala ka sa tunay na pag-asang iniaalok ng Bibliya—hindi lang sa iyo kundi sa buong sangkatauhan. Halimbawa:

  • Itinuturo ng Bibliya na napakaganda ng layunin ng Diyos na Jehova para sa atin.Genesis 1:28.

  • Nangangako ang Diyos na Jehova na gagawin niyang paraiso ang lupa.Isaias 65:21-25.

  • Tiyak na matutupad ang pangakong iyan. Sinasabi sa Apocalipsis 21:3, 4:

    “Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at tatahan siyang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang mga bayan. At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”

Ang pag-asang iyan ay hindi lang basta pangangarap nang gising. Talagang tutuparin iyan ng Diyos na Jehova, at taglay niya ang kapangyarihan at pagnanais na gawin iyan. Maaasahan ang pag-asang iniaalok ng Bibliya, at sinasagot nito ang tanong na “Bakit pa kailangang mabuhay?”

TANDAAN: Kung ang emosyon mo ay parang bangkang sinisiklot-siklot ng mga alon sa maunos na dagat, ang mensahe naman ng pag-asa mula sa Bibliya ay parang angklang magpapatatag sa iyo.

ANG PUWEDE MONG GAWIN NGAYON: Suriin mo na ngayon ang mga itinuturo ng Bibliya tungkol sa tunay na pag-asa sa hinaharap. Matutuwa ang mga Saksi ni Jehova na tulungan ka. Puwede kang makipag-ugnayan sa kanila sa inyong lugar o maghanap ng mahahalagang impormasyon sa kanilang Web site na jw.org. *

^ par. 11 Mungkahi: Magpunta sa jw.org/tl at tingnan ang PUBLIKASYON > ONLINE LIBRARY. Mula roon, hanapin ang mga salitang gaya ng “depresyon,” “pagpapakamatay,” o “pagpapatiwakal” para sa higit pang tulong.

Higit Pang Impormasyon

Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?

Sinasagot ng Bibliya ang mahahalagang tanong ng milyon-milyong tao sa daigdig. Gusto mo bang maging isa sa kanila?

Makakatulong ba ang Bibliya Kung Nade-depress Ako?

May tatlong tulong na ibinibigay ang Diyos para makayanan ang depresyon.

Ano ang Magandang Balita?

Alamin kung ano ang balitang galing sa Diyos, kung bakit napakahalaga nito ngayon, at kung ano ang dapat mong gawin.